Ang 2025 Survey ng South Huron para sa mga Internasyonal na Manggagawa sa Agri-food
Tungkol sa survey
Ang mga internasyonal na manggagawa sa agri-food ay may mahalagang bahagi sa pagpapanatili ng isang matatag na ekonomiya sa South Huron at sa buong Huron County sa pamamagitan ng pagpuno ng mga puwang sa mga pangunahing industriya, pagsuporta sa pagpapalago ng ekonomiya, at pagtiyak na nagpapatuloy ang mga mahahalagang serbisyo at produksyon.
Ang survey na ito ay para sa lahat ng mga internasyonal na manggagawa sa agri-food (naninirahan at nagtatrabaho) sa rehiyon ng South Huron (Grand Bend, Dashwood, Exeter, Crediton, Kirkton area) na may edad na 16 patas at nagtatrabaho sa sektor ng agri-food (produksyon, pagproseso, pamamahagi, at pagkonsumo ng pagkain). Ang survey ay bukas hanggang Setyembre 20, 2025.
Nais naming makilala ang mga internasyonal na manggagawa sa agri-food sa aming mga komunidad at mas maunawaan ang kanilang mga karanasan. Humihingi kami ng 15–20 minuto ng iyong oras. Ang impormasyong makokolekta ay gagamitin upang gabayan ang mga hinaharap na pagsuporta sa mga internasyonal na manggagawa sa agri-food sa ating mga komunidad.
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa ng Munisipalidad ng South Huron at Huron County Immigration Partnership bilang bahagi ng kanilang Pagpapalakas ng Agri-food Sector sa South Huron sa pamamagitan ng International Agri-food Worker Integration project, na pinondohan ng Sustainable Canadian Agricultural Partnership.
Premyo gamit ang Bunutan para sa Pagkumpleto ng Survey
Ikinalulugod naming mag-alok ng premyo gamit ang bunutan para sa pagkumpleto ng survey na ito!
Kapag natapos na ang survey, maaari mong piliing isama ang iyong pangalan sa isang bunutan para sa isang premyo. Kung ibibigay mo ang iyong pangalan, hindi ito iuugnay sa iyong mga sagot sa survey at gagamitin lamang para sa bunutan.
Ang sumusunod ay mga premyo ng bunutan para sa survey:
- Isang $100 na gift card sa isang lokal na grocery (depende sa kagustuhan ng nanalo)
- Dalawang $50 na gift card sa mga lokal na grocery (depende sa kagustuhan ng nanalo)
- Limang $10 na gift card ng Tim Horton
Pagsasalin ng mga tanong sa survey
Mayroong survey sa English at tatlo pang mga wika (Spanish, Tagalog, Ukrainian) na pinakamadalas na ginagamit sa rehiyon. Ang mga isinalin na survey ay pareho sa survey na Ingles na nangangailangan ng halos parehong oras upang makumpleto (15-20 minuto). Ang mga nakolektang survey sa ibang mga wika ay isasalin sa Ingles. Ang mga tagasalin ay magkakaroon lamang ng access sa mga indibidwal na pahina o mga tanong na nangangailangan ng pagsasalin. Ipapadala sa pamamagitan ng email ang mga naisalin na mga indibidwal na katanungan kay Stacey Jeffery (Munisipalidad ng South Huron) na siyang maglalagay ng data sa database ng survey.
Mga Survey sa Papel
Kung hindi mo kayang sagutan ang survey online at gusto mong tumugon sa pamamagitan ng telepono, email o sa papel, maaari kang makipag-ugnayan sa amin sa sjeffery@southhuron.ca o tumawag sa 519-235-0310 extension 247.
Personal na Impormasyon
Hindi mo kailangang ibigay ang iyong pangalan upang makumpleto ang survey. Pagkatapos mong masagutan ang survey, maaari mong:
- Piliing isali ang iyong pangalan sa isang bunutan para sa isang premyo. Ang iyong pangalan ay hindi ikokonekta sa iyong mga sagot sa survey at gagamitin lamang para sa layunin ng bunutan, at/o
- Piliing ibigay ang iyong pangalan at impormasyon upang makipag-ugnayan nang mas mabuti sa Munisipyo ng South Huron at Huron County Immigration Partnership para sa mga susunod na proyekto tulad ng mga video, mga pagpapanayam, o iba pang mga mapagkukunan.
Kung pipiliin mong ibahagi ang iyong impormasyon gamit ang alinman sa dalawang opsyon na ito, maaari mong bawiin ang pahintulot anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Munisipyo ng South Huron gamit ang email na sjeffery@southhuron.ca o sa pagtawag sa 519-235-0310 extension 247.
Ang pagsagot ng survey ay boluntaryo at maaari mong laktawan ang kahit anong tanong na ayaw mong sagutin. Maaari mo ring itigil o isara ang window ng browser sa anumang oras nang walang anumang magiging negatibong epekto. Gayunpaman, kapag naisumite na ang iyong mga sagot, hindi namin maaalis ang mga ito dahil hindi namin magagawang ihiwalay ang mga sagot mula sa ibang datos. Kung pipiliin mong itigil ang survey sa anumang oras bago ito isumite, hindi mo na mababalikan ang mga na-save na sagot. Kakailanganin mong muling simulan ang survey.
Ang mga papel na kopya ng mga natapos na survey ay ipapadala sa Munisipyo ng South Huron at itatala ng kanilang mga tauhan. Ang mga kopyang papel ay itatago sa isang naka-lock na lugar sa South Huron Municipal Office at sisirain pagkatapos na maitala ang mga kasagutan sa database ng survey.
Ang parehong online at papel na kopya ng mga survey ay buburahin at/o sisirain dalawang buwan matapos ang pagtatapos ng panahon ng pangongolekta ng datos.
Pamamahala ng Data
Ang mga sagot sa survey ay itatago sa isang password-protected na file sa mga secure na server ng Munisipyo ng South Huron. Tanging sina Stacey Jeffery (Munisipalidad ng South Huron), Mark Nonkes at Emma Hunking (Huron County Immigration Partnership) lamang ang may access sa raw data ng survey. Lahat ng impormasyon ay gagawing anonymous at ibabahagi sa Huron County Immigration Partnership, at ilalahad bilang buod sa serye ng mga ulat at presentasyon para sa Konseho at mga nagpopondo ng proyekto. Makikita ang mga ulat sa website ng munisipyo sa https://www.southhuron.ca/government/strategic-plans-projects/strengthening-the-agri-food-sector-in-south-huron-through-international-agri-food-worker-integration/